+ Long ago... = D +

Hi to all! Ano ba yan... Di nanaman ako nakap-update kasi di ko mabuksan yung blog ko kagabi. Sorry ulit.
Nag-APSA test kami kahapon. Sa totoo lang, halos lahat hinulaan ko lang. Hehehe. Ayos lang yung English pero pagdating sa Math at Science wala na. May mga tanong doon na may kinalaman sa squareroot na hindi ko maintindihan. Haaay... Nung Club masaya kasi naglaro kami ng iba't-ibang laro tulad ng Cat and Mouse, Pic pac boom, at marami pa. Sumakit yung tiyan ko kakatawa. Hehehe = D Nagpractice ulit kami ng cheering hanggang 5:30.
Ngayon, ayos lang. Regular classes pa rin. Yung sa TLE namin, dapat gagawa kami ng banana catsup pero hindi namin nagawa kasi kulang yung ingredients at mga gamit.
Ang saya talaga kasi weekends nanaman. Yehey! Sa Monday puro practice na lang kaya walang assignment pero puro project naman kami. Haaay... Okay lang yun. Basta kakayanin namin yun. Hehehe. Sige po, byebye! GO TITANS! ^0^